Downfalls + Blessings = Awesome 2015

photo credit::pinterest.com

Sobrang daming blessings ngayong 2015. Pero madami ding downfalls. As 2016 approaches, di ko maiwasan mag-backtrack.

Salamat sa mabubuting kaibigan na nakilala. Yung mga kaibigan na hindi ka nakakalimutan. Nagrereply kapag imemessage mo kasi dun na lang kayo nakakapagusap. Hindi seenzoned. Minsan din nakakapagkita kita. Totoong pag tumatanda ka, nababawasan yung laman ng circle of friends mo, at dun mo makikilala sino ba yung nandyan sayo hanggang dulo. Sa mga kaibigan ko, kilala niyo sino kayo. Salamat! Happy New Year!

Downfalls. Grabe madami yun talaga. Pero yung hindi ko makakalimutan e yung challenge ni God sakin sa health. (Konti lang ang nakakaalam nito.) Natural sakin ang may ubo pasulpot sulpot, ang hikain (nasa pamilya e). So habang nagbubusiness trip ako at pumupunta sa iba’t ibang probinsya – napabayaan ko health ko. Yung simpleng ubo nung una? Ayun. Pneumonia na pala. Araw araw na gamutan. Dun pa sa time na isang linggo na lang nirerender ko sa trabaho. Down na down ako nun. Wala ka nang masyadong pera, may sakit ka pa. Araw araw na ubo. Ang sakit sa ulo, sa lalamunan, sa tiyan. Di ka makatulog sa gabi. Buti na lang di ako pinabayaan ni Lord. BUHAY PA KO! Hahaha. Happy New Year!

Masaya naman na topic. Nitong 2015 din ako naging active ulit sa blogging. Way 2009 nagsimula na ko. Pero itong year yung the best. Nanominate sa Bloggys, nainvite sa madaming event, nanalo sa mga blog wiritng contest, madaming freebies, naalok gumawa ng Youtube Channel sa ABS-CBN (hindi pa ko decided), 11,000+ views sa aikaloraine.wordpress.com at 1,700 para sa mag 2 months pa lang na self-hosted blog kong aikaloraine.com. Ang saya! More for 2016, please. Happy talaga ang New Year ko!

wp1
Salamat Lord sa magandang 2015. Sa masayang pamilya kahit minsan gipit. Sa maligayang lovelife (yiihiii *kilig), sa magandang career, sa experience makapaglibot sa mga probinsya (Jan 2,2015 first time kong makasakay ng airplane hihi), sa blessings na bumabaha, sa mga kaibigan. Challenges? Ready ako! More more more blessings for 2016!

Advertisements

One thought on “Downfalls + Blessings = Awesome 2015

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s